Pages

Friday, April 20, 2012

Sana Maulit Muli


Sana Maulit Muli
Chapter One

Alas tres ng hapon ng mga araw na iyon kami’y nasa dalampasigan at naglalaro ni Mae, hindi namin alintana ang init ng panahon, patuloy parin kaming naglalaro at nagsasaya, si Mae ang aking kaibigan na kasabay kong lumaki at naging kasama sa lahat ng oras na kailangan ko ng karamay sa bawat pag-iisa. Isa siyang kaibigang naging parte na nang aking buhay. Ngunit, subalit dadapapwat, dumating ang di inaasahang araw na sila’y kinakailangan nang umalis papuntang Maynila upang dun na sila manirahan.
“kailangan mo ba talagang sumama para manirahan sa maynila? Aking tanong sa kanya” “Tyrone wag kang mag-alala babalik pa naman ako eh,  siguro sandali lang kami dun di rin kami magtatagal. Pangko ko babalik ako.” “wag kang mangako gawin mo maghihintay ako sa pagbabalik mo”  “oo ito, binibigay ko sa’yo itong kapiraso ng aking pendant para di mo ako mamiss ok ba” “salamat ha, kaibigan nga talaga kita.”
Limipas ang ilang araw, oras na upang sila’y umalis ng Hacienda de Villanueva. Wala akong  kibo habang sisusulyapan si Mae na nasa loob ng kanilang sasakyan. Yoon ang huli  kong makikita ang aking  Kaibigan “mag-iingat ka ha!” tanging sambit ko. “ikaw rin wag kang magpapabaya sa sarili mo! Kanyang huling sinambit saakin. Ilang minuto ang dumaan at sila nga’y patuloy nang lumisan sa hacienda de Villanueva. lingid sa aking kaalaman di ko alam kung anu pang sususnod na mangyayari nangyong wala sa piling ko ang aking kaibigan, na aking minamahal. Sayang nga’t di ko nasabi sa kanya na mahal ko siya.Ilang araw na ang nakalilipas ng sila’y lumisan tila di ako mapanatag sa aking mga ginagawa di ko alam kung anung pakiramdam ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon, tila umiiyak ang aking puso na sadyang may binibigkas na nais isigaw. Tanging isang patak lamang ng luha ang siyang dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog ako. Sa aking mahimbing na pagtulog nasa aking panaginip ang isang malagim na pangyayaring dhindi ko lubos nagustuhan at yoon ay naaksidente sila Mae habang binabagtas ang kanilang biyahe papuntang maynila, at ang hindi maganda’y silang lahat ay kasama sa pangyayaring yoon. Sa aking pag-iyak ay ginising ako ng aking ina. “Anak bakit tila pagod na pagod ka! Anung nangyayari sayo? “nay ang sama ng panaginip ko, sila Mae, naaksidente sila hindi dapat mangyari yun.” “siya bumangon ka na’t kakain na gutom lang yan dahil maghapon kang di kumain sa kakatitig sa Pendant nay an.” Nag-isip ako ng malalim at huminga na sana’y hindi  totoo ang aking napaniginipan  at saka ako tumayo upang magtungo sa aming hapag kainan. Sa amingpagkain nahulog ng aking itay ang kanyang hinahawakang babasaging baso “anu bay an, bat nahulog yung baso? Yan basag na tuloy di ka kasi nag-iingat Karding eh” “ay naku stella, di ko naman sinsadya eh. Nadulas lang yung baso sa kamay ko, saan na nga ba yung walis at duspan ng mawalisan ito.” Winalisan at pinulot ng itay ang mga basag na parte ng baso di sinasadyang nasugat ang kanyang kanang hilalaki. “Yaan, sinasabi ko na nga ba! Mag-ingat ka naman kasi.” “malay ko bang may bubog pang natira, tyrone ikuha mo nga ako ng gamut sa tukador.” Dali dali ko namang tinungo ang tukador kung saan naroon ang mga pangamot sa sugat ng itay. At sa labas naman ng aming bahay ay kumakatok si Mang Gusting na parang pagod na pagod. “Karding, stella! May masamang balita! “anu yoon? Mang gusting!” aking tanong sa kanyan. “tyrone di mo dapat alamin usapang mga matatanda ito kumain ka nalamang siya sa labas mag-usap usap! Naiwan ako sa loob ng aming hapag kainan at sila nag-usap usap, hindi ko alam kung anu ang kanilang pinag-uusapan ngunit biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at iba ang naramdaman. "ano? Nadisgrasiya sila? At lahat sila’y?” “manahimik ka stella, baka marinig ni Tyrone” totoo nga ang aking napaniginipan nadisgrasya ang kanilang sinasakyan  tila hindi ko mawari kug anung mangyayari sa akin ng mga oras na iyon at bigla bigla nalang akong tumumba. Dinala ako sa Malapit na Ospital nagising na lamang ako na nang hihina at may dextroxe sa aking mga kamay. “ano ayos ka na ba? Tanging tanong saakin ng isang nars na nagbabantay saakin. “gising ka na pala,”  “inay anung gunagawa ko dito? Bakit narito tayo sa ospital?” “nakita ka naming nakabulagta sa kusina at naninilaw ang iyong kulay kaya dali dali ka naming itinakbo dito sa ospital.” “bakit anungnararamdaman mo?” “may kailangan po ba akong malaman?” nagulat sila inay at itay at sila’y nagkatinginan. Na waring di alam ang gagawin at hindi maibigkas ang dapat aminin. “anung ibig mong sabihin?” “itay alam kong ayaw ninyo akong biglain, ba’t di niyo pa po aminin ang totoo?” nanahimik ng ilang minuto sila inay at itay, na parang malalim ang iniisip, nagugulhan kung sasabihin nga ba nila ang totoo o hindi . “ah eh, tyrone kasi. Sila Mae, nadisgrasya at sumabog sasakyan nila.” nang nalaman ko iyon tila nabuhusan ako ng malamig at mainit na tubig, hindi ko alam ang gagawin ko, kundi umiyak, hindi nila alam ang gagawin saakin ng mga oras na yoon.  Lumipas ang ilang araw nakita na ang mga labi ng pamilya at nakburol na sa kanilang tahanan. Di ko na pinalampas pa ang sandaling yaon at kanyang sinulyapan ang pinahihimlayan ng kanyang minamahal “Mae! Bakit! ang daya mo, pinangako mo saakin na babalik ka, pero ito bumalik ka nga, ngunit wala nang buhay, ang sama sama ng tadhana para saating dalawa, alam mo mahal na mahal kita di ko maamin yan sayo. Dahil nahihiya ako, pero nangayun, sinsabi ko na mahal na mahal kita! Sana maulit lahat ng nabubuhay ka pa sana pagising ko, kasama kita at muling nagsasaya.” tahimik ang paligid ng mga oras na yoon, tanging mga huni ng mga ibon ang iyong maririnig. Gabi na pala ng oras na iyon at di ko namamalayan nakatulog muli ako, at saaking pagtulog ay nanaginip muli ako at sa aking panaginip ay nsa isang dalampasigang puno ng malamig na hamog at  naroon nga si Mae, ang kaibahan nga lang Nakasuot siya ng puting damit. “mae ikaw ba yan? “oo tyrone ako nga ito?” “totoo ba ito oh, panaginip lang ang lahat?” “panaginip mo lamang ito, “bakit!” “hindi ba’t patay na ako, kaya panaginip mo nalang ito na kasama mo ako” “ang gulo? Paanong nangyari yoon?” “hindi ba’t kinausap mo ako? Sa aking kinalalagyan? Kaya heto ako kausap mo. Halika sumama ka saakin” “ saan tayo pupunta?” “basta sumama ka nalang” di ko alam kung anung gagawin ko pero naisip ko nalang na sana di nalang ako magising sa aking panaginip at patuloy ko paring kasama ang aking minamahal. namasyal kami nang matagal at lumipas ang ilang oras. “Paano yan! Hanggang dito nalamang tayo!  “ha! Anung ibig mong sabihin? Hanggang dito nalang tayo? Pwedeng pakipaliwanag? “Tyrone, di ka pwedeng sumama sa pupuntahan ko, di ka pa maaring magpunta dun.” “anung? “siya sige bumalik ka na”  bumalot ang isang liwanag na nagsilbing bahagi upang mawala si mae sa aking Paningin. Nagising na lamang akong tila pagod na pagod. Nagising na Parang nagbago ang lahat. “oh gising ka na pala? Halika na at ng makakain na. “nay nailibing na ba sila?” “sinung nailibing hoy baka nanaginip ka nanaman nalipasan ka lang ng gutom kain na. at kanina pa naghihintay sayo si Mae sa labas “si mae? Buhay si mae?” “hay naku baliw ka na bang bata ka oh Praning na praning? Umayus ka nga diyan.” di ko alam kung anung nangyayari sa paligid ko tila di ko maintindihan gulong gulo ako pero ang pag kakaalam ko ay… “teka? Nagbalik ba sa dati ang lahat?  Naulit ba ang lahat ngayon?  “pinagsasabi mo? Diyan?” “mae!” “oh mukhang gulat ka? Hindi ko alam ang gagawin ko ng nakita ko si Mae at dali dali akong kumaripas papalapit sa kanya at siya’y aking niyakap. “salamat at nagbalik ka, miss na miss kita!!!
“teka nga sandali lang eh magkasama lang naman tayo kanina ah!  Ayus ka lang? pinagsasabi mo?” “ah eh wala ito, nasobrahan ko lang ata sa tulog kaya ganito” siguro nga, kaya sa susunod wag kang tulog ng tulog ha at nang di ka managinip.” “oo na po!” “oh anu tara sa tambayan?” “saan?”
“saan pa nga ba? Edi sa dalampasigan” oh anu tara?” at wala na akong maisip pa kung anung mangyayari pa sa susunod  ngunit ang naisip ko na lamang ay ang aminin sa kanya ang nais kong aminin.
am Mae, may nais sana akong aminin sa’iyo?” “anu naman yon?” “nais ko sanang aminin sa’iyo na Mahal kita” napansin kong tulala at tahimik si Mae ng sandaling yoon at malalim ang pinaghugutan ng kanyang hininga. “mahal mo ako? Nagbibiro ka ba?” “hindi Mae seryoso ako, matagal ko ng nais sabihin sa iyo ito, ngunit ngayun lang ako nakakuha ng tamang panahon upang sabihin sa’iyo ang totoo.  “alam mo  hanggang kaibigan lang ang turing ko sa’iyo Tyrone, wala akong nararamdamang pagmamahal sa’iyo. “pero pinangako mong mamahalin mo ako? “pangako? Wala akong alam na nagsabi ako ng isang pangakong mamahalin kita?” “nakikita mo to?” “saakin yan ah. Ba’t nasa’ iyo yang kapiraso ng Pendant ko!” “binigay mo saakin yan!” “binigay? Wag ka nga anu bang nangyayari sa’yo? Nababaliw ka na ba?”  tila di ko alam kung anung gagawin ko nang nalaman ko  iyon kay Mae, iniisip ko kung nababaliw nab a ako oh sadyang totoo lang ang lahat pero ang pumasok lang sa isipan ko ay naulit ang lahat at nabago. Umalis ako sa dalampasigan at tumungo sa burol malapit sa aming tambayan. Umiiyak at nagbigkas. “oh diyos ko, anu bang nangayayari? Anung dahilan bat ganito? Hindi na maganda pa ang lahat ng ito. Nais ko nang ibalik sa dati ang lahat!” umuwi ako sa aming bahay na umiiyak, “oh at anung nangyari sayo at tila di ka maipinta diyan. “tay si mae eh,” oh at bakit si Mae.?” “inamin ko kasi sa kanyang mahal ko siya!” “ano? Mahal mo si Mae? Baliw ka ba? Mag kaiba tayo sa kanila! Di kayo bagay! Langit siya! Lupa ka.” “teka lang itay, kala ko ba botong boto kayu.” “hay naku pinagsasabi mo? Umayus ayus ka nga. Oh baka, umamin ka nga nagdrodroga ka no?” “tay di ako nagdrdroga, ewan ko ba’t napakagulo. Makatulog na nga lang.” sa aking pagtulog tila isang tinig ang siyang bumibigkas sa aking pangalan, di ko maaninag ang mukha isa nanaman bang panaginip ito? Oh isang katotohanang magbibigay sa akin ng isang kasagutan.
“tyrone! Tyrone” “si, sinu ka?” “di na mahalaga kung sinu ako basta nais ko lamang sabihin sa ‘iyo na lahat ng iyong sinambit ay sadyang lahat ay nagkatotoo.” Pero di ito ang nais kong sabihin n asana magbalik sa dati ang lahat at mabago! Ang nais ko lamang ay magbalik sa dati ang lahat at maging maayos katulad parin ng dati!” “yoon nga ba ang nais mo? Siguro nga panahon na upang magbago ang lahat.”  Nagising ako na tila di alam ang gagawin kung totoo nga ba ang lahat ng iyon pero…
gising ka nap ala? Halika na at kakain na…” “inay?” “kumain ka na at kanina ka pa inaantay ni Mae sa Burol!”  napa-isip muli ako at tila totoo ngang nagbago muli ang lahat ng ito. Di na ako nagsayang  pa ng oras at dali dali akong nagtungo ng burol at naroon nga si Mae na nag-aantay sa akin. “Mae!” “nariyan ka na pala, kala ko di ka na sisipot eh. “kanina ka pa ba nag aantay dito?” “hindi naman,” “ ganun ba?” “oo, anu na?” “anung anu na?” “dating gawi?” “maglalaro nanaman ba tayo?” “anu pa nga ba?” “hay naku  di na tayo bata pa para maglaro” “ayaw mo? Bahala ka diyan wala kang!” “siya sige na nga!” wala na akong nagawa pa kundi nakipaglaro nalang sa kanya, ito ang tanging ginagawa naming kapag nasa dalampasigan kami. At! “am mae, may aaminin sana ako sa’iyo wag ka sanang magagalit!” “anu naman yun?” “am gusto ko sanang aminin sa’iyo na Mahal na mahal kita!” tila tumigil muli ang mundo ni mae, at huminga muli ng malalim at! “wala ka bang sasabihin? Mae? At bigla kang natulala diyan? Nais ko lang amining mahal kita.” “siguro nga panahon na rin para aminin ko din sa’iyo na mahal din kita Tyrone. Mahal na mahal na mahal.”  Bigla akong sumaya sa inaming yoon ni mae sa akin batid ko pa ang nanalo sa isang kumpetisyon. Hindi ko na alam pa ang sumunod na pangyayari at ang di inaasahan ay may nangyari nga saaming dalawa.  Isang pangayayaring di ko batid na magagawa nga namin. Lumipas ang ilang buwan, “narito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap. “ tila balisa si mae nang dinatnan ko siya sa may burol, putlang putla. Ngunit winalang bahala ko nalang yoon” “ilang araw nalang malapit ka nang manganak. Nagagalak ako  sa magiging anak natin.  Ba’t di ka makaimik diyan? May problema ba?” “wala naman. Masaya lang din naman. Ngunit ang hindi ko alam ay hindi niya masabi sabi saakin ang kanyang sakit na ilang araw nalang din ay mawawala siya. Nagtungo mag-isa si Mae sa kanyang Doctor upang ikunsulta ang kanyang nararamdaman. At! “Doc anu pong Resulta ng Check up ninyo?” “am wag ka sanang mabibigla. Ilang araw nalang kasabay ng pangaganak mo ay tuluyan ka na ring lilisan.”  Sinekreto saakin ni Mae ang pangayayring iyon.. dumating ang araw ng kanyang pangaganak at araw nang kanyang paglisan. Di na naming siya nadala sa ospital dahil sa bahay palang ay malapit nang lumabas ang bata kaya isang Hilot ang siyang nagpaanak sa kanya. Pagkatapos ng isang oras ay naipanganak na ang isang sanggol na lalake. At isinunud nga namin sa   aming  Pangalan T.M o Tyrone Mein.  Hiniling naman ni mae na magtungo sa Dalampasigan upang pagmasdan ang dagat sa kahulihulihang pagkakataon.  “bakit mo hiniling nagmagtungo dito sa dalampasigan! “dahil nais kong pagmasdan sa kahuli- hulihang pagkakataon ang dagat.” “anu bang pinagsasabi mo? “ “oras ko na para lumisan sa mundong ito. Oras na para!” “Sshhhhhh wag ka ng magsalita pa. Pagmasadan mo nalang muna ang dagat.” Pingamasdan naming dalawa ang dagat at pati ang paglubog ng araw, sa unti- unting paglubog ng araw ay ang unti-unti ring paglisan ni Mae. “mae! Mae! Mahal! Mahal!!!! Hindi maari to mae!!!! Gumising ka gumising ka!”  ngunit di na siya nagising at hanggang doon na lamang ang lahat at kahuli hulihang kasama ko siya. Binurol at inilibing narin siya sa tabi ng dalampasigan kung saan magiging simbulo ng ala-ala ng mga nagdaan at nakalipas. Lumipas ang limang taon malaki na rin si Tyrone mein. Kasama ko sa lahat ng oras at panahon ng lungkot at saya. Hanggang sa sinundan ko na din si Mae sa kabilang buhay. Di ko matiis na wala siya sa aking piling. Kaya nangyun magkasama na kaming nakaburol sa tabi ng dalampasigan. #

Wakas






(next story: Tunay na pagkakaibigan) 



Blog Advertising - Get Paid to Blog